-- Advertisements --
Ibinunyag ng US Navy na nakapasok na sa South China Sea noong Abril 4 ang kanilang Theodore Roosevelt Carrier Strike Group.
Layon nila ay para magsagawa ng routine operations sa nasabing lugar.
Ito na ang pangalawang beses na nakapasok ang TRCSg sa South China Sea ngayong 2021.
Hindi naman nagbigay pa ng ibang detalye ang US Navy sa ibang pakay nila sa paglalagay ng kanilang barko sa lugar.