Tutulong na ng US Navy para sa tuluyan ng matanggal ang nakabarang giant container ship sa Suez Canal.
Ang nasabing insidente ay nagdulot ng ilang araw na trapiko sa mga shipping sa buong mundo.
Kahit na nagtulong-tulong na ang mga tugboats at dredgers ay hirap pa rin nilang mailipat ang 1,300 talampakan na container ship na may bigat na 200,000 toneladang.
Inaasahan na sa pagdating ng tulong ng ibang bansa ay mapapabilis ang pagtanggal ng nasbing nakabarang barko.
Sa ginawang alternate na ruta sa Cape of Good Hoep sa Southern Africa ay mayroong karagdagang dalawang linggo ang itatagal ng biyahe.
Nanatiling ligtas naman ang 25 Indian Crew ng Ever Green container ship.
Sa nasabing pagbara ay aabot sa $9 bilyon na halaga ng mga produkto ang nasasayang kada araw dahil sa pagkaantala ng pagdating nito.