Niluwagan na ng US Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ang kanlang travel recommendations sa 61 na bansa.
Kabilang dito ang Japan na unang itinaas sa “Level 4” kung saan pinagbabawalan ang mga mamamayan nila na bumiyahe sa Japan.
Ibinaba na sa “Level 3” ang mga bansang France, South Africa, Canada, Mexico, Russia, Spain at Italy.
Paliwanag ng CDC na ang pagbabago ay isinagawa matapos na palitan ng mga opisyal ang criteria para sa travel health notices.
Ibang mga bansa naman na nasa “level 3” travel restrictions ay ang Honduras, Indonesia, Jordan, Libya, Panama, Poland, Denmark at Malaysia.
Pinagbabawalan pa rin ng US ang mga non-US citizens na pumasok sa kanilang bansa lalo na ang mga galing sa China, United Kingdom, Ireland, India, South Africa, Brazil, Iran at 26 Schengen nations.
Nasa “Level 3” category ang Pilipinas na dapat ay fully-vaccinated lamang ang maaaring makabiyahe sa Pilipinas.