-- Advertisements --
Hindi na umano itinuloy ng Estados Unidos at North Korea ang nakatakda sanang working-level nuclear talks.
Nagpulong sa Sweden ang US at North Korean officials nitong Sabado, sa pag-asang mababasag na ang ilang buwang katahimikan ng magkabilang panig ukol sa nasabing isyu.
“The negotiations have not fulfilled our expectation and finally broke off,” wika ni Kim Myong Gil, chief nuclear negotiator ng Pyongyang.
Nangyari ang pulong ilang araw lamang makaraang mag-test fire ang North Korea ng isang bagong submarine-launched ballistic missile.
Ito na rin sana ang unang pormal na working-level discussion buhat nang magtagpo saglit sina US President Donald Trump at North Korean leader Kim Jong Un sa demilitarized zone noong Hunyo. (BBC/ Reuters)