Babalik pa sa Ukraine nitong Linggo si US Secretary of State Antony Blinken matapos ang pakigpulong nito kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa Kyiv.
Ito ay sa kabila ng babala ng Russia na maaaring magresulta sa World War III ang labanan sa Ukraine matapos ang ginawang pagbisita nito kasama si Defense Secretary Lloyd Austin.
Mas nag-trigger ang conflict dahil sa suporta ng mga Western Nations sa Ukraine sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga weapons laban sa Russian troops.
Pinuna naman ni Russian Foreign Minister Sergei Lavrov ang diskarte ng Kyiv sa pag-usad ng usapang pangkapayapaan.
Magugunitang, sa loob ng maraming buwan, humihingi si Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa mga kaalyado ng Ukraine ng mga heavy weapons– kabilang ang artillery at fighter jet
Napag-alaman na sina Blinken at Austin ang mga highest-level US officials na bumisita sa Ukraine simula ng pananalakay ng Russia.