-- Advertisements --
Nanawagan ang US ambassador to China na dapat ay maging tapat ang Beijing sa pagsabi ng katotohanan sa pinagmulan ng COVID-19.
Ayon kay Ambassador Nicholas Burns na mahalaga ang pagsasabi ng katotohanan para ito ay agad na matugunan.
Malaki kasi ang paniniwala nito na galing ito sa nag-leak na laboratory sa Wuhan, China.
Ikinagalit naman ito ng foreign ministry ng China at sinabing ito ay mula sa science at hindi dapat ito pulitikahin.
Patuloy din naman aniya nagsasagawa ng imbestigasyon ang White House sa tunay na pinagmulan ng nasabing virus.