-- Advertisements --

Masayang ibinahagi ni US Olympic gymnast Simone Biles na ito ay engaged na sa kaniyang fiance na NFL player na si Jonathan Owen.

Sa kaniyang Instagram account ay ipinakita ng 24-anyos na Olympian ang diamond ring na bigay ng kaniyang 26-anyos na Houston Texans football player.

Ipinakita rin ng Olympian ang larawan kung paano nagpropose ang nobyo.

Nagkakilala ang dalawa sa social media noong Marso 2020 at Agosto 2020 ng ianunsiyo nila na sila ay magkarelasyon na.