-- Advertisements --

Nakapagtala ng record si four-time Olympic gymanastic champion na si Simone Biles.

Ito ay matapos na maging unang babae na nakagawa ng Yurchenko double pike vault sa US Classic, Indianapolis.

Nakuha nito ang kabuuang 58.4 points at natapos ng mas maaga kaysa sa training partner nito na si Jordan Chiles.

Bagamat hindi kuntento ang 24-anyos na si Biles sa binigay na score ng International Gymnastics Federation an 6.6 difficulty score para sa element kung saan dapat aniya ay 6.8.

Sinabi niot na ang nasabing performance ay ilang buwan siyang nagsanay para maperkpekto ito.

Ang nasabing Yurchenko double ay ipinangalan sa Soviet gymnast na si Natalia Yurkchenko.