-- Advertisements --

Inaresto ng mga kapulisan ng Miami, Florida si US Olympic sprinter Fred Kerley.

Napilitan pa ang mga otoridad na gamitan siya ng stun gun dahil sa pagmamatigas nitong sumama sa mga otoridad ng ito ay kukumprontahin sana.

Dahil dito ay nahaharap na siya sa mga kasong battery, resisting officers at disorderly conduct.

Sinabi ni Christopher Bess, tagapagsalita ng Miami Beach Police Department, na nagsasagawa ang mga otoridad ng pag-iikot ng nilapitan sila ni Kerley at tinanong ang problema ng kaniyang sasakyang nakaparada sa lugar.

Matapos nito ay nagkaroon ng argumento kung saan nagwala na si Kerley.

Dinala muna ito sa ospital para ipagamot ang kaniyang sugat na natamo bago tuluyang ikinulong sa Turner Guilford Knight Correctional Center.

Nahaharap na siya sa kasong robbery at domestic battery matapos na ireklamo siya ng kaniyang asaw noong Mayo 2024.

Nagwagi ng bronze medal si Kerley sa men’s 100 meter noong 2024 Paris Olympics.