-- Advertisements --

Ipinaabot ng US Olympic at Paralympic Committee ang kanilang suport sa pagpapaliban pansamantala sa Tokyo Games.

Ang pahayag ng US Olympics ay makaraang lumabas sa survey na overwhelming majority ng mga American athletes ay nais ang postponement.

“We encourage the International Olympic Committee to take all needed steps to ensure the Games can be conducted under safe and fair conditions for all competitors,” ani Olympic chiefs Sarah Hirshland sa kanilang statement.

Una nang lumutang na balak ipagpaliban umano ng International Olympic Committee (IOC) ang pinakamalaking sporting event sa buong mundo na magsisimula sa buwan sana ng Hulyo.

Ayon kay IOC member Dick Pound, next year na lamang itutuloy ang hosting ng Japan.

Bago ito nag-anunsiyo ang British Olympic Association, Australia, USA Swimming at Canada na sila ay magwi-withdraw kung itutuloy ang Olimpiyada sa Tokyo.