-- Advertisements --
Agad pinayuko ng Belarusian tennis player na si Aliaksandra Sasnovich ang 2021 US Open champion na si Emma Raducanu sa secound round ng Indian Wells tennis tournament.
Tinalo ng 27-anyos na si Sasnovich ang kampeyon sa score na 6-2, 64.
Nagkaroon ng problema sa accuracy at energy level ang 18-year-old British sensation kaya ito natalo sa world number 100.
Nagkaroon din ng unforced errors at hindi nakaporma sa tennis star mula Belarus sa kabila ng suporta sa kanya ng mga nanonood.
“Aliaksandra played a great match. She’s an extremely experienced opponent who has been on the Tour for many years. She was better than me today so she deserves to win,” ani Raducanu.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na naglaro si Raducanu sa Indian Wells. (Reuters)