Magkakaroon ng mga pagbabago sa mga cash prize na mapapanalunan sa lalahok sa US Open singles titles ngayong taon dahil sa coronavirus pandemic.
Ayon sa organizer, dahil sa epekto ng COVID-19 sa buong mundo ay labis na naapektuhan ang kanilang torneo kaya nagpasya sila na bawasan ang mga premyo ng mga magwawagi.
Umaabot na kasi sa kabuuang $53.4 million ang kabuuang pera na mapapanalunan kumpara sa kabuuang $57 million noong 2019.
Ang bawat mananalo sa men’s and women’s singles asy makakatanggap ng $3 million bawat isa kumpara sa $3.85 million bawat isa noong 2019.
Tumaas lamang ang mga premyo ng mapapanalunan sa mga manlalaro na magwawagi sa unang round bilang pagkilala sa financial hardship ng mga manlalaro.
Mayroon kasing $61,000 ang matatanggap ng mga manlalaro kumpara sa $58,000 na premyo sa unang round noong 2019.
Mananatili pa rin ang premyo sa second na mayroong $100,000 ang halaga at sa 3rd round na mayroong $163,000.
Gaganapin ang torneo mula Agosto 31 hanggang Setyembre 13.