-- Advertisements --

Nagsagawa na ng contact tracing ang organizers ng US Open sa mga nakasalamuha ng isang empleyado nila na nagpositibo sa coronavirus.

Agad na nilang inilagay sa isolation ng hanggang 10 araw ang nasabing nagpositibong empleyado nila.

Ayon sa United States Tennis Association, na ito lamang ang nag-iisang nagpositibo sa kabuuang 1,400 na katao na kanilang isinailalim sa testing.

Magugunitang maraming tennis players na ang umatras sa pagsali sa US Open dahil sa pangamba ng coronavirus pandemic.