-- Advertisements --

Umabanse na sa third round ng US Open si second seed Rafael Nadal makaraang umatras ang makakalaban sana nitong si Thanasi Kokkinakis.

Sa pahayag ni Kokkinakis, may iniinda raw kasi itong injury sa kanyang kanang balikat.

Ang Australian, na nasa rank No. 203, ay umurong din sa unang round ng Australian Open ngayong taon dahil sa kaparehas na dahilan.

Hahalili naman sa schedule nina Nadal sa Arthur Ashe Stadium ang second-round contest nina No. 22 Marin Cilic at Cedrick-Marcel Stebe na gaganapin sana sa Louis Armstrong Stadium.