-- Advertisements --

Pinuna rin ng commander ng US Pacific Air Forces ang masamang ginagawa ng China sa bahagi ng West Philippine Sea.

Sinabi ni US Pacific Air Forces Commander General Kenneth Wilsbach na hindi tama na angkinin ng mga bansa ang mga isla na hindi nila pag-aari.

Inamin din nito na nagsasagawa sila ng pag-monitor sa Indo-Pacific region at kumukuha ng mga imporamasyon.

Tiniyak din nito na patuloy ang paglipad ng US Air Force sa lugar para magkaroon ng bukas na Indo-Pacific region at ang West Philippine Sea.