-- Advertisements --

Pag-aaralan pa ng US ang naging alok ng El Salvador na kanilang aarestuhin ang mga American criminals.

Ito ang naging alok ni Salvadoran President Nayib Bukele sa ginawang pagbisita ni US Secretary of State Marco Rubio.

Ayon kay Rubio na isang kawang-gawa ang alok na ito ng El Salvador subalit kanilang pag-aaralang mabuti ang legalidad nito.

Idepensa rin ni Rubio ang pagputol ng US ng foreign aide kung saan nais muna nilang tignan mabuti ito kung makakatulong ba ito sa US.