-- Advertisements --

Malalaman pa sa araw ng Biyernes kung ipagpapatuloy o tuluyan ng ititigil ng US ang paggamit ng COVID-19 vaccine na gawa ng kompaniyang Johnson & Johnson.

Ayon kay US pandemic advisor Anthony Fauci, magpupulong pa lamang ng mga health experts para pagdesisyunan ang nasabing paggamit ng bakuna na gawa ng nasabing pharma giant.

Bagamat ayaw niyang pangunahan ang magiging desisyon ng Centers for Disease Control and Preventions (CDC) ay naniniwala ito na isang kakaibang insidente lamang ang naiulat na clotting disorder.

Posibleng magpalabas na lamang sila ng paghihigpit o babala sa nasabing paggamit ng bakuna.

Magugunitang itinigil ng US ang paggamit ng bakuna nasabing kompanya dahil sa napaulat na blood clotting sa mga naturukan nito.