-- Advertisements --

Papayagan ng maturukan ng COVID-19 vaccines sa US ang mga nasa edad 16 pataas.

Ayon sa US Center for Disease Control and Prevention (CDC) ang mga mayroong mga nararamdamang sakit na mga 16-anyos ang maaaring maturukan.

Kailangang maturukan ng mga bakuna ang mga nasa ganoon na edad para hindi na lumala pa ang kanilang sakit dahil sa COVID-19.

Halos lahat ng mga estado sa US ang nagpalawig ng edad para maging matagumpay ang kanilang ipinapatupad na COVID-19 vaccine rollout.

Magugunitang hinikayat ni US President Joe Biden ang mga estado na palawakin ang mga vaccine eligibility sa mga tao na mayroong edad 18 pataas.