Nilagdaan ni US Pres. Biden ang isang executive order na nagpapahintulot sa mga residente ng Hong Kong na manatili sa Amerika sa halip na bumalik sa teritoryo ng China.
Inatasan ni Biden ang Department of Homeland Security na mag-implementa ng deferral of removal para sa mga residente ng Hongkong na nasa Amerika kung saan ang mga kwalipikado sa naturang programa ay bibigyan ng permisong magtrabaho sa US sa loob ng isa’t kalahating taon.
Ayon kay White House spokeswoman Jen Psaki, ang hakbang na ito ni Biden ay nagpapakita ng matatag na suporta ng Amerika sa mga mamamayan ng Hongkong sa pagharap ng nagpapatuloy na repression ng People’s Republic of China at upang ipakita na hindi ito magsasawalang kibo sa ginagawang paglabag ng PRC sa mga pangako nito sa Hong Kong at international community.
Sa nakalipas na taon, patuloy ang ginagawang pang-aabuso ng PRC sa democracy ng Hong Kong gaya ng pangingialam sa political freedom ng bansa, pagpapatupad ng limitasyon sa kanilang academic freedom at paglabag sa freedom of the press.