-- Advertisements --

Bukas umano si Turkish President Tayyip Erdogan na makipag negosasyon kay US President Donald Trump hinggil sa pagbili ng kanilang bansa sa mga US-made missiles.

Ito ay sa gitna ng patuloy na tensyon sa pagitan ng Washington at Ankara matapos nitong bumili ng S-400 missile defence system sa Russia.

Ayon kay Erdogan, tinawagan na raw nito ang American president upang pag-usapan ang nasabing pagbili at muling bubuksan ang paksang ito sa oras na magkita sila ni Trump sa UN General Assembly sa susunod na linggo.

Sa kabila nito, kailangan pa umano niyang tingnan ang mga kondisyon ng armas upang kahit papaano ay mapantayan nito ang S-400 defence missiles.