-- Advertisements --
Aabot sa mahigit 700 katao ang inaresto ng mga US immigration officials sa estado ng Mississippi.
Nakasentro ang operasyon sa mga manggagawa ng agricultural processing plant sa Bay Springs, Canton, Carthage, Morton, Pelahatchie at Sebastopol dahil sa walang anumang dokumento.
Ayon sa Immigration and Customs Enforcements (ICE) hindi bababa sa 680 na mga illegal aliens ang kanilang naaresto.
Ang nasabing hakbang ay base na rin sa kautusan ni US President Donald Trump na maglunsad ng immigration crackdown simula noong Hunyo.
Iniimbestigahan namang mabuti ng ICE ang mga naarestong undocumented aliens at titignan nila kung may ibang mga kaso ang mga ito.