-- Advertisements --

Patuloy din ang panghihikayat ng US sa Israel at Lebanon na magkaroon ng mapayapang pag-uusap.

Ayon sa White House, na labis silang nababahala sa pagsiklab ng kaguluhan ng Israel sa ibang rehiyon gaya sa Lebanon.

Handa aniyang mamamagitan ang US sa gagawing pag-uusap ng Israel at Lebanon.

Magugunitang kabilang ang US sa ilang mediator country gaya sa Egypt at Qatar na nagsusulong ng ceasefire deal sa pagitan ng Hamas at Israel.