-- Advertisements --

Patuloy ang panghihikayat ng US sa Israel na laging maingat sa ginagawa nitong operasyon sa Gaza para maiwasan ang pagkadamay ng mga inosenteng biktima.

Sinabi ni National security adviser, Jake Sullivan, na mahalaga na protektahan ang mga sibilyan.

Nararapat aniya na maging asitado ang Israel Defense Forces ng walang mga sibilyan ang madamay.

Magugunitang sa pinakahuling pag-atake ng Israel sa refugee camp sa Gaza ay umabot sa mahigit 270 Palestino ang nasawi kung saan may mga bata ang nadamay at marami rin ang sugatan.