-- Advertisements --
Pinag-iingat ng US ang kanilang mamamayan na nasa Myanmar dahil sa patuloy na hakbang na ginagawang mga militar.
Ang nasabing pagbababala ay mula sa office of the US Embassy sa Yangon.
Nakasaad sa nasabing pagbabala ay bukod sa military movements ay ang posibilidad ng pagkakaroon ng pagkakasira ng komunikasyon.
Payo na ng US Embassy sa kanilang mga mamamayan na umiwas na sa mga matataong lugar.
Magugunitang patuloy pa rin ang nagaganap na kilos protesta matapos na kunin ng militar ang pagkontrol sa gobyerno sa Myanmar at ikinulong ang namumuno na si Aung San Suu Kyi.