-- Advertisements --

Nagbabala ang US na mag-iimbento ang Russia ng eksena para tuluyang lusubin ang Ukraine.

Ayon kay Pentagon spokesman John Kirby na inihahanda ng Russian operatives ang “false-flag” operation para tuluyang maakusahan ang Ukraine sa kanilang pag-aatake.

Palalabasin nila na inaatake ng Ukraine ang mga sundalo ng Russia sa kanilang border para simulan ang labanan.

Lumabas ang impormasyon isang linggo matapos ang naganap na pag-uusap ng US at Russia para mabawasan ang tension sa Ukraine.

Tiniyak ng US at NATO ang kanilang suporta sa Russia.