-- Advertisements --
Naglabas ng travel advisory ang US State Department sa kanilang mga mamamayan na huwag ng bumiyahe sa Lebanon.
Kasunod sa pagtaas ng tensiyon na nagaganap sa pagitan ng Israel at Lebanon-based na Hezbollah group.
Nakataas na sa level four ang travel advisory na nangangahulugan ng “Do Not Travel”.
Magugunitang nagkaroong palitan ng pag-atake ang Israel at Lebanon kung saan maraming sibilyan na rin ang nasawi.