-- Advertisements --
Inaprubahan na ng US State Department ang pagbebenta sa Pilipinas ng 20 piraso ng F-16 fighter jets.
Ayon sa US State Department na nagkakahalaga ito ng ng $5.58 bilyon na makakatulong sa pag-improve ng seguridad sa strategic sa rehiyon.
Kinabibilangan ito ng 16 na F-16C Block 70/72 jets at apat na F-16B Block 70/72 fighters.
Isinagawa ang anunsiyo matapos ang ilang araw ng bumisita sa bansa si US Defense chief Pete Hegseth.