-- Advertisements --
Pinayuhan ng US ang Pilipinas at China na iwasan ang anumang pag-uudyok o pananakot sa patuloy na pag-angkin sa bahagi ng South China Sea.
Sa inilabas na kalatas ng US Embassy, na suportado nila ang makatarungan paggamit ng karagatan at pagrespeto sa international law para mapanatili ang kapayapaan.
Ang paglabas ng pahayag ng US Embassy ay kasunod ng pagbangga ng Chinese fishing vessel sa bangkang pangisda ng mga Pinoy sa Recto Reed sa bahagi ng Palawan.
Iginiit ng mga mangingisda na mga Chinese fishermen ang nakabangga sa kanila na pinabulaanan naman ng China.