-- Advertisements --

Nakatutok ngayong ang US sa pagpigil sa Israel para hindi na sumiklab pa ang kaguluhan sa pagitan nila ng Lebanon.

Sinabi ni US Secretary of State Antony Blinken na hindi sila tumitigil sa pagsulong ng permanent ceasefire sa Israel.
Tiwala ito na kapag pumayag na ang Israel at Hamas sa ceasefire deal ay tiyak na mababawasan na ang tensiyon sa Lebanon.

Hindi rin tumitigil ang US na nakikipag-ugnayan sa mga mediator na bansa gaya ng Qatar at Egypt para sa pagsulong ng ceasefire.