-- Advertisements --
Pinuri ni US President Joe Biden ang desisyon ng Egypt na payagang pansamantala sa Kerem Shalom crossing ang mga humanitarian aid patungo sa Gaza.
Ito ang naging laman ng pag-uusap sa telepono ni Biden kay Egyptian President Abdel Fattah Al-Sisi na payagan ang muling pagbubukas ng southern Rafah crossing.
Ayon sa White House, ang nasabing hakbang ay matutulungan ang maraming mga residente sa Gaza na naiipit sa kaguluhan.
Ang Rafah kasi ay siyang pangunahing entry point para sa humanitarian relief at ilang mga commercial supplies bago paigtingin ng Israel ang military offense at kontrolin ang nasabing crossing mula sa bahagi ng Palestino.