-- Advertisements --

Plano ngayon ng US na ipagbawal sa kanilang bansa ang mga Chinese media apps kabilang na dito ang TikTok.

Ito mismo ang kinumpirma ni US Secretary of State Mike Pompeo kasunod ng ulat na ginagamit umano ito ng mga Chinese communist para sa pag-iispiya ng mga pribadong impormasyon.
Paliwanag pa nito ng ipapaubaya niiya ang desisyon kay President Donald Trump at ayaw niya itong pangunahan.

Depensa naman ng TikTok na ang kanilang kumpanya ay pinamumunuan ng American CEO na prioridad nila ang kaligtasan at seguridad ng kanilang produkto.

Ang nasabing komento ni Pompeo ay nangyari sa patuloy na pagtaas ng tensions sa pagitan ng US at China na umabot na sa ibang panig kabilang ang national security, trade at technology.

Magugunitang noong nakaraang mga linggo ay ipinagbawal na rin sa India ang nasabing app dahil sa tensyon ng dalawang bansa sa kanilang border.