Nais pang Dagdagan ni United States of America President Joe Biden ang pondo para sa infrastructure projects sa Enhanced Defense Cooperation Agreement sites sa Pilipinas.
Bahagi ito ng budget request ni Biden Para sa Fiscal Year 2025 sa Kongreso kung saan target nitong humiling pa ng dagdag na $128 million Para sa naturang proyekto.
Sa datos na inilabas ng White House, nakatakdang maglunsad ang US Agency for International Development ng mga bagong inisyatiba Para sa susunod na taon na mage-preposition naman ng humanitarian relief commodities sa isang EDCA site.
Ayon kay US Secretary of Defense Lloyd Austin III, ang hiniling na $128 million na halaga ni US President Biden ay gagamitin sa pagsasagawa ng 36 na mga proyekto at enhanced defense cooperation agreement size.
Aniya, ang lahat ng ito ay nagbibigay-diin pa sa mas pagpapalakas pa ng alyansa ng Pilipinas at Amerika tungo sa iisang layunin ng dalawang bansa.
Kung maaalala, una nang naglaan ang US Department of Defense ng nasa $109 million para sa infrastructure projects sa mga EDCA sites mula pa noong taong 2014 na kinabibilangan din ng $59 million Para sa airfield improvement sa Basa Air Base sa Floridablanca, Pampanga.