-- Advertisements --

Kinumpirma ng pamilya ng American world-champion sa pole vault na si Sam Kendricks na nagpositibo ito sa COVID-19.

sam kendricks
Sam Kendricks

Ayon sa kanyang ama sa pamamagitan ng social media, ang impormasyon ay ipinaabot sa kanila ng organizers.

Sa ngayon wala namang symptoms si Kendricks.

Sa kabila nito hindi na rin makakalaro sa Tokyo Olympics ang anak.

Ang naturang impormasyon ay kinumpirma na rin ng US Olympic at Paralympic Committee.

Siya raw ngayon ay inilagay muna sa isolation sa isang hotel.

Ang atleta ay una nang nanalo ng bronze medal sa 2016 Olympics at nasungkit din ang ang gold medal sa huling dalawang world championships.

Hawak niya ang American record na tinalon ang taas na 19 feet at 10.5 inches o katumbas ng 6.06 meters.