Nagpadala na ng liham ang mga opisyal ng Republican Party sa Michigan sa electoral board ng estado para humiling ng dalawang linggong adjournment.
Nanawagan kasi ang mga ito ng audit sa nangyaring botohan sa pagkapangulo sa pinakamalaki nitong county matapos itong kuwestiyunin ni US President Donald Trump.
Gayunman, kaagad namang umalma ang Michigan Department of State dahil hindi raw pinapahintulutan sa batas ang mga delay at audit.
Una rito, inasahan na ang Democrat na si Joe Biden ang magwawagi sa estado sa eleksyon.
Ang Michigan elecoral board, na binubuo ng dalawang Democrats at dalawang Republicans, ay nakatakdang magpulong sa susunod na linggo para sertipikahan na ang mga resulta ng halalan.
Gayunman, ang kanilang magiging desisyon ay kailangang lagdaan ng secretary of state at ng governor ng Michigan, na kapwa Democrats.
Tinawag na rin ng state department, maging nina Trump at ng mga local Republicans, ang mga pahayag na mayroong malawakang pandaraya na “wholly meritless.”
Nitong nakalipas na araw nang nakipagpulong si Trump sa Republican leadership ng Michigan state legislature sa White House.
Sinasabing sa naturang pulong ay pinressure umano ni Trump ang mga ito na hindi kilalanin ang panalo ni Biden sa estado.
Una nang sinabi ng White House na hindi raw ito isang advocacy meeting at bahagi lamang aniya ng routine meetings ni Trump sa mga state lawmakers sa buong bansa.
Matapos nito, nangako ang dalawang Republican legislators na susunod sila sa “normal process” sa pag-validate ng mga boto. (BBC)