-- Advertisements --

Dumipensa ang mga otoridad sa Malaysia matapos ang ginawa nilang pagdampot kay US pop star Maggie Lindemann sa kalagitnaan ng pagtatanghal nito sa bansa.

Una rito, may show ang 20-year-old “Pretty Girl” singer sa isang shopping mall sa Kuala Lumpur nang dakpin ito ng mga kinauukulan.

Ayon kay Kuala Lumpur immigration chief Hamidi Adam, wala raw kasing hawak na tamang permit si Lindemann para sa isang artist na magtatanghal sa Malaysia.

Kaagad naman nilang pinakawalan ang singer sa sumunod na araw.

“She wants to do a show in our country, she has to apply for a professional visit pass,” ani Adam.

“But the organizer did not listen to advice and they proceeded with the show.”

Sa pahayag naman ng singer, inilarawan nito bilang “living hell” ang naranasan nito sa bansa.

Dahil dito, hindi na naipagpatuloy ni Lindemann ang kanyang Asian tour. (AFP)