-- Advertisements --

Pormal ng nag-withdraw ang US sa Paris climate change agreement.

Ang nasabing usapin ay unang inanunsiyo ni US President Donald Trump noong June 2017 at ngayon lamang ito naging epektibo.

Ayon sa United Nations regulations body, naging epektibo ang pagkalas ng US sa Paris Climate Change Agreement isang araw pagkatapos ng US elections.

Paglilinaw nila na maaaring sumali muli ang US kung gugustuhin ng pangulo.

Binuo ang Paris deal noong 2015 para palakasin ang pagtugon ng mga bansa sa banta ng climate change.