-- Advertisements --

Itinuloy na muli ng US Postal Service (USPS) ang pagtanggap ng mga parcels na galing sa mainland China at Hong Kong.

Kasunod ito sa bahagyang suspension matapos na magbago ng panuntunan si US President Donald Trump sa import taxes.

Ayon sa USPS na nakikipag-ugnayan na sila sa US Customs and Border Protection para matiyak na hindi lumala ang problema.

Bilang bahagi ng pagbabago ay kanilang isinara na ang kakulangan na pinapayaganang mga maliliit na packages na nagkakahalaga ng $800 o mas mababa pa na madala sa US ng hindi nagbabayad ng buwiso fees.

Magugunitang pinatawan ni Trump ng 10 percent na taripa ang lahat ng mga produkto na galing sa China.