-- Advertisements --
Tiniyak ng US Postal Service na walang magiging aberya sa gagawing mail-in votes sa buwan ng Nobyembre.
Sa ginawang pagdinig ng US senate, sinabi ni Postmaster General Louis DeJoy na may kakayahan silang hawakan ang nasabing uri ng botohan.
Magiging prioridad aniya ang mga postal votes.
Hindi namang ginawa ang bagong pagbabago sa polisiya para impluwensiyahan ang 2020 elections.
Una kasing pinangangambahan ng mga Democrats na ang bagong delivery policies ay magdudulot ng problema sa postal votes.
Inaasahan kasi na sa darating na halalan ay maraming mga botante ang boboto sa pamamagitang ng postal dahil sa pangamba ng coronavirus.