-- Advertisements --

Umakyat na sa record-breaking na $1.9 bilyon ang jackpot prize ng US Powerball.

Ito ay matapos na wala pang nanalo sa draw nitong Sabado.

Sa loob ng mahigit tatlong buwan at 40 na magkakasunod na draws ay hindi pa napapanalunan ang jackpot prize.

Ayon sa Powerball na ang tsansa para makuha ang jackpot ay isa sa 292.2 milyon.

Ang huling record na may pinakamalaking jackpot ay noong 2016 sa halagang $1.59 bilyon na ito ay nakuha ng tatlong mananaya.