Tinalakay nina US President Joe Biden at King Abdullah II ng Jordan ang panibagong developments sa Gaza sa kanilang pagpupulong sa White House.
Dito, pinagtibay ng dalawang lider ang kanilang commitment na magtulungan para mawaksan na ang krisis sa Gaza.
Binigyang diin sa kanilang pag-uusap ang agarang pagpapalaya sa mga bihag na hawak ng Hamas at ang tuloy-tuloy na ceasefire na magpapahintulot sa kinakailangang humanitarian assistance na maihatid ng ligtas papasok sa Gaza.
Kapwa din nangako ang 2 para sa matatag, pangmatagalang kapayapaan para sa Palestinian state kaakibat ang paggarantiya ng seguridad para sa Israel.
Pinasalamatan naman ni Biden si King Abdullah para sa kaniyang pakikipagtulungan sa naturang pagsisikap sa Gaza.
Samantala, sa nasabing pagpupulong nagbabala din si King Abdullah kay Biden na maaaring humantong sa panibagong massacre ang pag-atake ng Israel sa Rafah kung saan na-displace ang 1.4 million Palestino.