Binigyang pugay ni US President Joe Biden ang mga Filipino American nurses sa kanilang kontribusyon na walang patid na nagseserbisyo at nagsasakripisyo sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sa isang statement na inilathala ng Philippine Embassy sa Amerika, pinapurihan ni Biden ang Fil Am nurses sa kanilang “selfless service” bilang nasa frontlines sa paglaban sa COVID-19.
Ayon pa kay Biden, base sa isang pag-aaral, nasa apat na porsyento lamang ang mga Filipino American nurses na nasa United States noong 2020 katumbas ito ng 1/3 ng lahat ng nurses sa bansa na nagtaya ng kanilang buhay sa kontra sa pandemya.
Inihayag din ni Biden ang pagdadalamhati din ng Amerika sa pagkasawi ng Fil Am frontliners at kinilala ang malaking ambag ng mga ito sa gitna ng global health crisis at sa kasaysayan ng Amerika.
Inalala din ni Pangulong Biden ang partisipasyon ng Filipino Americans simula pa noong ika-16 na siglo na nagsilbi sa US at ipinaglaban ang demokrasya sa Amerika.
“With a recorded presence in the continental United States as far back as October 1587, Filipino Americans have served our nation, defended our democracy, and fought for the promise of a more just and inclusive America,” ani Biden sa statement. “Filipino Americans are an essential part of our nation’s strength and diversity, a living reminder of the courage of immigrants, and a growing force in our civic movements and engagement.”