Ikinatuwa ni United States President Joe Biden ang hindi pagsasampa ng charges sa kanya ukol sa umano’y iligal na paghawak ng mga classified documents.
Iniulat ng isang special counsel sa US na nakakita ito ng ebidensya na si Pangulong Joe Biden ay sadyang nagpapanatili at nagbahagi ng mataas na uri ng impormasyon noong siya ay isang pribadong mamamayan pa lamang.
Kabilang na dito ang tungkol sa militar at foreign policy sa Afghanistan, ngunit napagpasyahan na ang mga criminal charges ay hindi ipapataw kay Biden.
Ang ulat mula sa special counsel na si Robert Hur ay niresolba ang isang kriminal na pagsisiyasat na naging mainit na isyu sa pagkapangulo ni Biden noong nakaraang taon.
Higit pa riyan, ang mabigat na mga natuklasan ay halos tiyak na pumutol sa kanyang kakayahang puwersahang kondenahin si Donald Trump, dahil sa isang kriminal na akusasyon na sinisingil ang dating pangulo ng ilegal na pag-tatago ng mga classified record sa kanyang Mar-a-Lago estate sa Florida.
Sa kabila ng maraming pagkakaiba sa pagitan ng mga kaso, agad na kinuha ni Trump ang special counsel report upang ipakita ang kanyang sarili bilang isang biktima ng isang “two-tiered system of justice.”
Sa mga pahayag sa White House, itinanggi naman ni Biden ang assertion ni Hur na nagbahagi siya ng classified information.
Una na rito, ang pagsisiyasat kay Biden ay hiwalay sa pagtatanong ng special counsel na si Jack Smith sa paghawak ng mga classified documents ni Trump pagkatapos umalis sa White House.
Kinasuhan ni Smith si Trump ng ‘illegally retaining top secret records’ sa kanyang tahanan sa Mar-a-Lago at pagkatapos ay hinahadlangan ang mga pagsisikap ng gobyerno na maibalik ang mga nasabing mga dokumento.
Sa kasalukuyan ay sinabi ni US. Pres. Joe Biden na ang kanyang mga ipinaglalaban at ay tapos na at naging matagumpay.