-- Advertisements --

WASHINGTON DC, USA – Binigyang-diin ni US President Joe Biden ang kahalagahan ng demokrasya at binalaan ang publiko laban sa “mapanganib na konsentrasyon ng kapangyarihan” sa kamay ng ilang mayayaman na aniya’y banta sa karapatan, kalayaan, at kinabukasan ng bansa.

Laman ito ng kaniyang farewell message bago bumaba sa puwesto.

Binanggit din niya ang mga tagumpay ng kanyang administrasyon, tulad ng pagpapalakas sa NATO, kalayaan ng Ukraine, at ang pagsulong ng artificial intelligence, na ayon sa kanya, dapat pamunuan ng Amerika.

Sa internal issues, inalala ni Biden ang mga batas sa “gun control,” tulong sa mga beterano, at mga hakbang sa paglikha ng trabaho.

Nanawagan din siya ng limitasyon sa termino ng mga mahistrado ng Korte Suprema at paninigurong walang pangulo ang immune sa krimen.

Ibinahagi din nito ang kaniyang naging papel bilang isang presidente ng Estados Unidos.

“I wish the incoming administration success, because I want America to succeed. That’s why I have held my duty to ensure a peaceful and orderly transition of power,” wika ni Biden.