-- Advertisements --

Nanawagan si US President Joe Biden na dapat kondinahin ng buong mundo ang ginagawang pang-aabusong sekswal ng mga Hamas noong kasagsagan ng kanilang pag-atake sa Israel noong Oktubre 7.

Sinabi nito na nararapat na gantihan ng Israel ang Hamas dahil sa ginawang paggahasa ng mga ito sa mga kababaihan.

Kasabay din nito ay nanawagan ang US President sa kongreso ng pagpopondo para madagdagan ang tulong militar sa Israel at sa Ukraine.

Bukod kasi sa Israel ay nagpapatuloy pa rin ang pagdepensa ng Ukraine sa kanilang teritoryo sa pagsakop ng mga Russia.

Una rito ay hindi inaprubahan ng US Congress ang hiling ni Biden na dagdag ng ilang bilyong dolyar bilang tulong militar sa Ukraine para maiwasan na magkaroon ng budget deficit ang US government at maiwasan ang pagshutdown ng kanilang ekonomiya.