-- Advertisements --

Pinayuhan ni US President Joe Biden ang mga taga Israel na huwag padadala sa kanilang damdamin dahil sa patuloy na nangyayaring kaguluhan sa pagitan nila ng Hamas Militants.

Sinabi nito na hind kailanman kasagutan ang giyera dahil hindi ito madali at malinaw.

Marami ang madadamay kapag ilagay ng mga taga Israel ang batas sa kanilang kamay.

Naniniwala din ito na marami pa ring mga Palestines ang hindi sumasang-ayon sa mga pinaglalaban ng mga Hamas militants.

Kasalukuyang nasa Israel si Biden para ipakita ang suporta ng US sa nasabing bansa mula ng lusubin sila ng Hamas Militants.