Pupulungin ni US President Joe Biden ang kanyang gabinete sa susunod na linggo sa gitna ng posibleng pag-shutdown ng gobyerno simula bukas, Oktubre 1.
Ayon sa isa sa administration official na pamilyar sa naturang plano, isasagawa ang pagpupulong ng personal sa White House.
Mananatili rin si Pres. Biden sa Washington DC nitong weekend at maigting na makikipag-ugnayan sa kanyang legislative affairs team sa pagkuha ng updates kaugnay sa anumang shutdown negotiations sa Capitol Hill.
Wala ding anumang public events si Biden ngayong Sabado o bukas, Linggo na napipintong mga oras bago ang posibleng shutdown ng gobyerno.
Sinimulan na rin ng White House ang regular communication nito sa mga ahensiya at sa sarili nitong staff kaugnay sa inaasahang kaso ng funding lapses at sinimulan na ng mga ahensya ang kanilang sariling contingency hearing.
Ayon din sa mga opisyal sa 2 ahensiya ng US government, binabalangkas na ang contingency plans para sa shutdown na maaaring magtagal ng ilang linggo.
Inamin naman ng White House ang walang katiyakan o uncertainty dulot ng kabiguan ng Kongreso na magkasundo o aprubahan ang government funding.