Malugod na tinanggap nang may pasasalamat ni US President-elect Donald Trump ang pagbati ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang muling pagkapanalo bilang Pangulo ng Amerika sa katatapos na 2024 US elections.
Ito ang kinumpirma ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez.
Aniya, ipinaabot ni Pangulong Marcos ang kaniyang pagbati sa pagkapanalo ni Trump sa pamamagitan ng SMS o text message.
Sa ngayon, ayon kay Amb. Romualdez, hindi pa tiyak kung mag-iimbita ang kampo ni Trump ng ibang world leaders sa kaniyang inagurasyon na inaasahng sa isasagawa sa 2025 pa.
Una na ngang sinabi ni Pangulong Marcos sa isang statement kasabay ng kaniyang pagbati kay Trump na looking forward ang Presidente na makatrabaho ang nagbabalik na Pangulo ng Amerika kaugnay sa maraming mga isyu na kapwa magbubunga ng parehong benepisyo sa US at PH nang malalim na ugnayan, paniniwala, bisyon at mahabang kasaysayan ng pagtutulungan.
Umaasa din ang Pangulo na ang hindi natitinag na alyansa, na sinubok sa panahon ng giyera at kapayapaan ay maging pwersa ng kabutihan na magbibigay daan sa kaunlaran at pagkakasundo sa rehiyon at sa 2 panig.