Nagpahayag na hindi makakadalo si US President Joe Biden at Chinese President Xi Jinping sa ika-44th at 45th ASEAN Summit and Related Summits sa susunod na Linggo na magsisimula sa October 8 hanggang October 11,2024 sa Vientiane, Lao, PDR.
Ayon kay Department of Foreign Affairs – Office of ASEAN Affairs Assistant Secretary Daniel Espiritu, batay sa kanilang impormasyon si US Secretary of State Anthony Blinken ang dadalo sa nasabing pulong bilang representative ni US President Joe Biden.
Hindi pa malinaw sa ngayon kung magkakaroon din ng pulong sa Lao si Pang. Marcos at US State Sec. Blinker.
Sa panig naman ni Chinese President Xi Jinping si Chinese Prime Minister Li Qiang ang magiging representative ng China.
Bukod sa dalawang lider na hindi makakadalo, lahat ng ASEAN leaders ay nagpahayag ng kanilang intensiyon na dumalo sa summit.
Subalit ayon kay Espiritu na malalaman na lamang ang attendance ng mga ito sa mismong araw ng summit.
Nilinaw din ni Espiritu na sa ngayon walang naka iskedyul na bilateral meeting sa pagitan ng Pilipinas at China, subalit posible may mabago sa sandaling nanduon na sa Lao ang mga leader ng ibat ibang bansa sa Asya.
Tiniyak naman ng DFA na pag-uusapan ang isyu sa West Philippine Sea kung saan mismong si Pangulong Ferdinand Marcos ang mag-uungkat nito.
Partikular ang mga recent developments na nangyayari sa West Philippine Sea.
Hindi pa rin matiyak kung mabubuo na ang code of conduct na isinusulong sa mga nagdaang summit.