Muling pinagtibay ni US President Joe Biden ang iron clad defense commitments sa Japan at Pilipinas, kasabay nito ang pagsabi na nakahanda ang Amerilka na i-invoked ang mutual defense treaty sa sandaling salakayin ang barko, eroplano at militar ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).
Itinuturing ni Biden sina President Ferdinand R. Marcos Jr. at Japanese Prime Minister Fumio Kishida bilang mga kaibigan at partners na iisa ang mithiin ang pagpupursige na mapanatili ang kapayapaan. Stability at isang progresibong Indo-Pacific.
Siniguro naman ng US at Japan ang kanilang suporta sa Pilipinas hindi lamang sa defense and maritime cooperation, kundi maging sa pagtugon sa climate change at mapalago ang ekonomiya ng bansa.
Kapwa nangako si Biden,Kishida at Pang Marcos na protektahan ang Indo-Pacific region.
Ang Mutual Defense Treaty (MDT) sa pagitan ng Pilipinas at United States of America, ay nilgdaan nuong 1951, na nagsisimbing pundasyon para sa malapit na security cooperation sa pagitan ng dalawang bansa.
Pinalakas pa ito sa pamamagitan ng 1998 Visiting Forces Agreement (VFA), at ng 2014 Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).
Sa EDCA naman pinapayagan ang mga US forces na magkaroon ng access sa Pilipinas sa pamamagitan ng rotational basis para sa security cooperation exercises, joint and combined military training activities, at humanitarian assistance and disaster relief activities.