-- Advertisements --

Wala pa umanong plano si US President Joe Biden na bumisita sa Kyiv, sa kabila ng paghihimok sa kanya ni Volodymyr Zelensky ng Ukraine na ipakita ang suporta ng US sa paglaban sa Russia sa pamamagitan ng paglalakbay sa embattled capital.

Ayon kay Press Secretary Jen Psaki, hindi pa pinaplano ng pangulo ng Amerika na bumisita sa nasabing bansa.

Gayunpaman ang gagawing pagbisita ni Biden ay magpapakita ng mas kumplikadong hamon sa seguridad.

Sinabi ng Biden administration na sa halip ay nais nilang magpadala ng isang mataas na opisyal at malamang umano na si Secretary of State Antony Blinken o kaya si Defense Secretary Lloyd Austin.

Noong nakaraang linggo, sinabi ni Biden na pinag-iisipan pa nila ang desisyong bumisita sa Ukraine nang tanungin ng isang reporter kung maaari siyang pumunta sa nasabing lugar.